Oliver Wendell Holmes, Sr.
Oliver Wendell Holmes, Sr. | |
---|---|
Kapanganakan | Oliver Wendell Holmes 29 Agosto 1809 Cambridge, Massachusetts |
Kamatayan | 7 Oktobre 1894 Boston, Massachusetts | (edad 85)
Si Oliver Wendell Holmes, Sr. (29 Agosto 1809 – 7 Oktubre 1894) ay isang Amerikanong manggagamot, makata, propesor, tagapaglektura, at may-akda. Itinuturing siya ng kaniyang mga kasamahan sa larangan ng panulaan bilang isa sa pinakamahuhusay na mga manunulat noong ika-19 na daantaon. Isinasaalang-alang siya bilang isang kasapi sa Fireside Poets (literal na "Mga Makatang nasa Tagiliran ng Apoy"). Ang kaniyang pinakabantog na mga akdang prosa ay ang mga serye ng "Breakfast-Table" ("Mesang Pang-agahan" o "Mesang Pang-almusal") (1858). Kinikilala rin siya bilang isang mahalagang repormador (tagapagreporma) ng larangan ng medisina.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.